Kung ika'y pipili ng isa
Ano kaya ang sa iyo'y papasa?
Dota... o syota?
Ikaw mismo ang huhusga
Syota:
Bakit sa dinami-dami ng bagay sa mundo,
Ako ay ikinumpara sa isang laro?
Nararapat ba ang ganitong pagtrato?
Ga'no ba kababa ang tingin mo sa syota mo?
Dota:
Sa paglalaro ng dota maaaring lumingon sa iba,
Tiyak marami ang iyong makikita!
Hindi katulad sa syota
Na dapat nakatutok sa iisa
Syota:
Ang dota ay walang kwenta,
Aksaya lamang sa pera
At kung dito iikot ang iyong mundo
Mawawalan ng direksyon ang buhay mo
Dota:
Ang syota ay mas magastos, umaalis pa nga at nangiiwan,
Ngunit sa dota kailan ma'y hindi ka mapagtataksilan
Makaiiwas ka na sa kadaldalang sobra-sobra,
Hindi ka pa makararanas ng masakit na sampal sa mukha!
Kapwa may punti ang parehong partido
Iyo na bang napagtanto kung saang direksyon tutungo?
Mas gugustuhin mo bang mawala ang dota?
O ipagsawalang bahala ang iyong syota?
Syota:
Ako'y hindi perpekto,
Ngunit sa aki'y mas maraming positibo
Ako sa iyo ang nagsisilbing inspirasyon,
Magagampanan ba ng dota ang papel kong iyon?
Dota:
Ang syota ay nakakasawa,
Lalo pa't kadalasa'y selosa
Sa aki'y maraming kaibigang bago,
Iba't ibang uri ng tao ang makakasalamuha mo
Napagtanto mo na ang mga pagkakaiba,
At kung susumahin ay mayroon ding mga pagkakapareha
Timbangin nang mabuti at ikaw mismo ang pipili,
Siguraduhing seryoso upang walang pagsisisi
No comments:
Post a Comment