Wednesday, March 16, 2011

Puedo escribir los versos más tristes esta noche.

NGAYONG GABI AKO'Y MAKAKASULAT NG MGA PINAKAMALULUNGKOT NA LINYA

Ngayong gabi, ako'y makakasulat ng mga malulungkot na linya
Halimbawa, "Ang gabi ay nabasag at ang mga bituin ay kumikinang sa malayo"
Ang hangin sa gabi ay nalilibot sa kalawakan at kumakanta

Ngayong gabi, ako'y makakasulat ng mga malulungkot na linya
Minahal ko siya at minsan minahal niya din ako

Sa mga gabing katulad nito ay hinahaplos ko ang kanyang mga kamay
Hinahalikan ko siya nang paulit-ulit sa ilalim ng kalangitang walang hanggan

Minahal niya ako minsan, at minahal ko din siya
Sino ba naman ang hindi magmamahal sa kanyang mga mata

Ngayong gabi, ako'y makakasulat ng mga malulungkot na linya
Iniisip na hindi siya sakin, at ang pakiramdam ay wala na siya sa sakin

Nang marinig ang walang hangang gabi, mas malawak pag wala siya
Ang mga linya ay nahulog sa kaluluwa tulad ng hamog sa damuhan

Para saan pa at ang pagmamahal ko ay hindi makakapagpanatili sa kanya
Ang gabi ay nabasag at kami'y hindi magkasama

Eto na ang lahat. Sa malayo ay may umaawit
Sa malayo. Ang aking kaluluwa ay hindi kuntento na siya ay nawala

Siya'y hinahanap ng aking paningin na tila'y umaabot sa kanya
Ang puso ko'y hinahanap siya at hindi ko kasama

Ito din ang gabing namumuti ang mga puno
Tayo, sa oras na iyon, ay wala nang pagkakapareho

Hindi ko na siya mahal, sigurado, ngunit kung paano ko siya minahal
Ang aking boses ay nagsubok na maghanap sa hangin upang mahawakan ang kanyang pandinig

Sa iba'y, Siya'y mapupunta sa iba. Tulad ng aking nakalipas na halik
Ang kanyang boses. Ang kanyang walang kupas na mga mata

Hindi ko na siya mahal, sigurado. Ngunit maaaring mahal ko siya
Ang pag-ibig ay napakaikli, ang paglimot ay napakatagal

Dahil sa gabing katulad nito hinahagkan ko siya sa aking mga kamay
Ang aking kaluluwa ay hindi kuntento pag nawala siya

Maaaring ito ang huling sakit na ipinadadama niya
Ito ang huling tula na aking maisusulat para sa kanya


Pablo Neruda
salin nina Ja, Jose at Rebekah

No comments:

Post a Comment